Matagumpay na inilunsad ang regionwide 2025 Science and Technology (S&T) Undergraduate Scholarship Campaign sa piling mga mataas na paaralan sa MIMAROPA.
Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) Region 4B ang makabuluhang inisyatibang ito sa pakikipagtulungan sa mga Provincial S&T Offices at DOST-Science Education Institute (DOST-SEI) mula Oktubre hanggang Nobyembre, taong kasalukuyan.
Layunin ng kampanya na ipaalam sa mga papasok na freshmen ng kolehiyo ang mga pagkakataon ng scholarship at hikayatin silang ituloy ang mga priority program sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) para sa Acedemic Year 2025-2026.
Naipaabot ang naturang impormasyon sa mahigit 2,800 na mga estudyante sa buong rehiyon, na nagresulta ng malawakang kamalayan tungkol sa S&t Scholarships.
Ang mga aktibidad ay nagsimula sa Occidental Mindoro, na kinabibilangan ng 15 institusyon ng edukasyon, sinundan ng kampanya sa 10 paaralan sa Marinduque, sumunod sa pitong (7) paaralan sa Romblon, Oriental Mindoro na may 10 paaralan, at Palawan na may pitong (7) paaralan, kabilang na ang mga paraalan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAS) ng mga bayan ng Araceli at Dumaran.
Inaasahan ng DOST-MIMAROPA na magbibigay ang mga napiling iskolar ng makabuluhang kontribusyon sa kanilang komunidad pati na rin sa buong bansa.