Photo courtesy | AFP WESCOM

Nagsagawa ng welcome ceremony ang Western Command sa pagdating ng mga tauhan ng Joint Special Operations Task Force (JSOTF) “Trident-West” Special Operations Command at mga component units Armed Forces of the Philippines sakay ng LD602 mula sa Subic nitong Disyembre 18.

Pinangunahan ni Vice Admiral Alfonso F. Torres Jr., Commander ng Western Command, ang seremonyas na kung saan ay nagsilbi ring Guest of Honor at Speaker ng kaganapana ang opisyal.

Ang bagong dating na mga tropa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay itinalaga upang suportahan ang seguridad ng Palawan at mapanatiling insurgency free ang lalawigan.

Ang mga tropang dumating ay itatalaga sa iba’t ibang Joint Task Forces on Civil-Military Operations (CMO), Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR), at mag-aambag sa internal defense operations ng WESCOM.