Photo courtesy | Samuel Macmac

Nagdesisyon na rin na magsilikas ang ilang residenteng naninirahan malapit sa tabing-ilog sa Purok Mandaragat 2 ng nasabing barangay dahil sa nararanasang patuloy na pagbuhos ng malakas na pag-ulan ngayong ika-22 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Sa impormasyong nakalap ng

Repetek News

, apektado ang nasa 51 pamilya o mayroong 175 katao na naninirahan malapit sa tabing-ilog ang inisyal na naitalang nailikas sa Barangay Binduyan.

Kabilang sa mga inilikas dito ang labindalawang senior citizens, apat na may kapansanan, labinlimang mga katutubo, at mga bata.

Samantala, tumulong sa paglikas ng mga apektadong pamilya ang mga opisyales ng barangay na pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa evacuation center ng barangay Binduyan.

Patuloy rin sa pag-assist ang mga kawani ng tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) para sa mga nagsilikas na pamilya ng naturang barangay.

Author