PATULOY sa paglikas ang ilang residente ng barangay Bancao-Bancao ng lungsod ng Puerto Princesa dahil sa nararanasang matinding pagbaha na aabot na sa bubong ng kanilang kabahayan.
Tuluy-tuloy naman sa pagkakaloob ng serbisyo ang mga kawani ng tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) para sa 144 katao o nasa 34 pamilya na residente ng nasabing barangay na naunang naitalang naapektuhan ng matinding pagbaha.
Dahil dito, kinakailangan na umano gumamit ng bangka para makapagbigay ng tulong para sa iba pang apektadong residente.
Ilan sa mga naitalang apektado ng pagbaha ay ang limampu’t limang bata, anim na senior citizens, dalawang may kapansanan, at mga sanggol.