Photo courtesy | DOT

Muling gumagawa ng marka ang Pilipinas sa Europa matapos maitampok ang mga kahanga-hangang tanawin ng mga tanyag na destinasyon sa Pilipinas na ginamit na disenyo sa mga bus sa Roma at Barcelona.

Ito ang masayang ibinahagi ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na layunin ng kampanyang ito na ibahagi ng mas malawak na inisyatiba upang isulong ang turismo ng Pilipinas sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng #LoveThePhilippines campaign, nais mahikayat ang mas maraming tao na bisitahin at tuklasin ang Pilipinas.

Gamit ang mga detalyadong larawan ng Palawan, na kilala sa mga puting buhangin at kristal na tubig, pati na rin ang makulay na tradisyon ng Sinulog Festival sa Cebu, at marami pang kahanga-hangang destinasyon ay maibabahagi sa buong mundo ang maraming dahilan kung bakit dapat mahalin ang Pilipinas.

Ang kampanyang ito ay bahagi rin ng mas malaking plano ng DOT na palakasin ang turismo at magbigay ng higit pang pagkakataon para sa ekonomiya ng bansa.

Samantala, inaasahang mas maraming tao ang maaakit na bisitahin ang Pilipinas sa pamamagitan ng kampanyang ito at maranasan ang natatatanging alindog nito.

Author