Photo courtesy | Samuel Macmac
PUERTO PRINCESA—Natimbog sa ikinasang operasyon ng pulisya ang apat na indibidwal matapos mahulihan ng mga smuggled na sigarilyo sa nabanggit na barangay sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa impormasyon ng awtoridad, kinilala ang mga naaresto sa operasyon na mga alyas “Johari”, 27-taong gulang; “Bandon”, 35-taong gulang; at ang mga 26-anyos na alyas “Gapbar” at “Jul” nitong ika-5 ng Enero, taong kasalukuyan.
Nasabat ng mga tauhan mula sa 3rd Platoon City Mobile Force Company ang 879 reams ng assorted smuggle cigarettes na nagkakahalaga ng P345,000.00 mula sa mga suspek.
Nahuli sa aktong pagmamay-ari ng mga suspek ang mga hindi dokumentadong sigarilyo sa Sitio Anilawan ng naturang barangay.
Samantala, kasalukuyan naman nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nakaloboso sa operasyon at inaasahang sasampahan ng kaso para sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customes Modernization and Tariff Act (CMTA).