Photo courtesy | PALECO

Nirerespeto ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang awtoridad, kapangyarihan, at mga desisyon ng National Electrification Administration o NEA kaugnay sa deactivation order na kinakaharap ng mga Board of Directors (BOD) nito.

Nitong araw ng Martes, Enero 7, opisyal na inihayag ng pamunuan na kinikilala nito ang hakbang ng administrasyon hinggil sa opisyal na pagtanggal sa mga direktor ng kooperatiba matapos makitaan ng mga paglabag kaugnay sa Administrative Case No. 01-01-2025.

“The management of the Palawan Electric Cooperative (Paleco), under the leadership of General Manager Rez L. Contrivida, respects and recognizes the authority, powers, and responsibilities of the National Electrification Administration (NEW) under the Presidential Decree No. 269, as amended by Republic Act No. 10531,” nilalaman ng pahayag ng kooperatiba.

Umaasa naman ang pamunuan sa mabilis at makatarungang pagdinig sa gumugulong na Administrative Case No. 01-01-2025.

“Paleco commits to extending its full cooperation to the NEA Task Force Paleco in the interest of ensuring the fulfillment of its mandate and the continued delivery of reliable sources to the cooperative’s member-consumer-owners.

Paleco assures, its member-consumer-owners of its active participation in the on-going NEA-Administrative Committee (ADCOM) motu proprio investigation…” pahayag ng kooperatiba.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan sa mga dating Board of Directors at pagbati sa mga bagong itinalagang miyembro ng Task Force Paleco.

Matatandaang binigyan ng deactivation order ng National Electrification Administration (NEA) ang Board of Directors ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), dahil sa ginawang pagtanggi at pagpigil ng kooperatiba sa pagsasagawa ng eleksyon para sa mga Distrito ng VI, VII, at VIII.

Ayon sa NEA, kinumpirma ng Institutional Services Department (ISD) ng PALECO na nararapat itong magsagawa ng eleksyon para sa mga nabanggit na distrito noon pang nakalipas na taon. Subalit, sinubukan itong kuwestyunin at pigilan ng Board of Directors ng kooperatiba sa pamamagitan ng pagsampa ng petisyon sa Regional Trial Court ng Puerto Princesa City, na kalaunan ay na-dismiss.

Dahil sa nangyari, binuo ng NEA ang Task Force PALECO na kinabibilangan ng ilang General Managers mula sa iba’t ibang electric cooperatives sa bansa upang pansamantalang magsilbing Board of Directors ng kooperatiba.

Author