Napansin ni Palawan 2nd District Board Member Ryan D. Maminta ang mabagal na “sistema ng registration at enrollment ng mga pampublikong unibersidad sa lalawigan”.
Aniya, walang pagbabago, napag-iwanan ng panahon at antigo pa rin”.
Sinabi rin ng bokal na pahirapan at hindi maituturing na maka-estudyante ang mga polisiya at pamamaraan ng mga state colleges and universities sa Palawan.
“Sa pamunuan at mga nangunguna [r]iyan, paghusayan [ninyo] naman at nakakahiya na. Gising, 2025 na tayo!,” panawagan ni Maminta.