Photo courtesy | PIO Palawan

PUERTO PRINCESA—Tumungong muli sa Kapitolyo nitong Enero 7 ang mga katutubo mula sa Isla ng Maria Hangin, Barangay Bugsuk, bayan ng Balabac, upang makipagdayalogo sa mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para bigyang-linaw ang matagal nang hinaing ng mga ito sa kanilang lupaing minana.

Ang pag-uusap ay pinangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan kung saan tinalakay ang patungkol sa pagpasok ng isang pribadong korporasyon sa kanilang lupaing ninuno o ancestral domain.

Sa pag-uusap, muling tinalakay ang ilang legal na batayan na nakasaad sa Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) o ang Republic Act No. 8371 na siyang pangunahing ipinaglalaban ng mga katutubong Molbog sa nabanggit na munisipyo.

Samantala, dumalo sa kaganapan ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Palawan, Police Provincial Office (PPPO), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), at Commission on Human Rights (CHR) upang mapakinggan ang mga hinaing ng mga katutubong patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa lupa, kalagayan ng kanilang hanapbuhay, at seguridad sa naturang isla.