Photo courtesy | Sangguniang Panlalawigan File Photo, 2024

PUERTO PRINCESA CITY—Nais ni First District Board Member Winston Arzaga na pagtuunan ng pansin ang hindi magandang serbisyo ng ilang pribadong ospital sa lalawigan ng Palawan.

Sa kaniyang privilege speech sa ika-125th regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Enero 14, inilatag ng bokal na nakatanggap ang kaniyang opisina ng reklamo mula sa isang senior citizen hinggil sa mabagal at mahabang pila.

“[I] received a complaint from a senior citizen was to stand in cue; ang haba ng pila but there is no distinction there, a special privilege for senior citizen sa mga ospital natin, magbabayad ka ang haba ng pila, senior citizen stay there for so many hours so there’s no consideration. Then i think the law state that there has to be special lane for senior citizens I think the Committee on Health can looking to it,” ani Arzaga.

Ayon pa sa bokal, nitong nakalipas na Disyembre 2024, lumagda aniya sa isang memorandum si Health Secretary Ted Herbosa. Nakasaad sa memorandum ang mga bagong regulasyon para sa mga pribadong ospital kung saan ipinag-uutos sa lahat ng private hospitals na tiyaking may reserbang higaan para sa mga mahihirap na pasyente.

“Second very important is that hospitals are required to publish standard fee for every kind of deseases or sickness that requires hospitalization and also need to standardize a professional fees that may be charge by every medical professional,” ani Arzaga.

Kuwento pa ng bokal, ilan din sa mga nakikitang pangunahing problema ang hindi paglalagay ng standard fee ng mga ospital sa kada sakit at medical professional fee ng mga doktor.

“Ang pangunahing problema ay ‘pag pumasok po kayo sa ospital talagang bulag kayo sa kung magkano ang gagastusin ninyo; mas lalo kayong bulag dahil hindi ninyo alam kung magkano ang sisingilin ng bawat physician sa bawat serbisyong ibibigay.

I think this memorandum is make a lot of sense, ang kailangan natin ngayon ay para makatulong tayo sa implementation sa Province of Palawan.

[I] would propose one na maaaring tumingin agad ang Committee on Health…na puwedeng imbitahin…ang mga head ng mga ospital kung compliant sila sa requirements na ito,” dagdag pa ni Arzaga.

Hinihiling din ng bokal ang presenya ng undersecretary of the Department of Health na namamahala sa mga regulasyon at operasyon ng mga ospital upang sa ganoong paraan ay matukoy kung aling ospital ang sumusunod at hindi sumusunod.

Ayon pa sa kaniya, maaaring mayroong ilang pribadong ospital sa Lungsod ng Puerto Princesa at Palawan ang hindi sumusunod sa mga panuntunan ng Department of Health.

Samantala, pinasalamatan naman ni 3rd District Board Member Rafael Ortega Jr. si Board Member Arzaga sa pagsasaboses ng mga hinaing ng mga mamamayan pagdating sa Hospital services sa lalawigan ng Palawan.

“[N]oong bago pa lamang po tayo [r]ito po ay nag-privilege [r]in tayo tungkol po sa usapin ng ospital considering po [roon] sa mga hinihingian ng deposito bago tanggapin. At pagkatapos noon, kahit na po ang pasyente [ay] dapat lumabas na, hindi pa rin po p’wedeng palabasin hangga’t hindi nakakapagbayad.

Alam po natin na mayroon tayong isang batas o Republic Act na no ‘detention policy’ pagdating po sa ospital na ‘yan. [T]ayo po ay sumusuporta sa manifestation ni BM Arzaga bagama’t ang kaniya pong mungkahi ay i-refer po ang nasabing usapin sa Committee on Health ni Board Member Marivic Roxas.

[B]aka po mas [makabubuti] kung tatanggapin po ni BM Winston Arzaga na ipatawag na lang po natin ‘yun pong pamunuan ng lahat ng hospital…para makausap po ng mga Board Members na kasamahan natin”, pahayag ni Ortega.

Kaugnay rito, nais ding malaman ni Arzaga kung ilang ospital sa lalawigan ang sumusunod sa kahilingang ito mula sa Kalihim ng Kalusugan.