PHOTO//PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

Ni Vivian R. Bautista

SA isang pulong kasama ang Prime Energy Resources Development B.V. (Prime Energy) sa Malacañan Palace nitong Martes, tinalakay ng operator ng enerhiya sa Pangulo ang mga plano ng kumpanya na palawakin at maghanap ng indigenous gas prospects; dagdagan ang kasalukuyang produksyon ng indigenous gas sa tulong Liquefied Latural gas (LNG) imports; at palawakin ang kompetisyon ng gas market sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Prime Infrastructure Capital Inc. Chairman Enrique Razon Jr. ang pagbabalangkas ng mga palno kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Chief Executive Officer Guillame Lucci, Senior Advisor Sebastian Quiniones, at General Manager Donnabel Cruz.

“It seems that this gas aggregator idea is the key. Again, we have work to do,” ani President Marcos during the meeting with Prime Energy officials.
Ang Prime Energy ay ang operator ng Service Contract 38 (SC 38) na kung saan ay nagpaalam kay Pangulong Marcos tungkol sa pagsulong ng mga proyekto sa loob ng Malampaya Service Contract 38.

Ang pagbabarena o pagbubutas ng Prime Energy ay magsisimula sa huling quarter ng 2024, na may karagdagang produksyon mula sa Malampaya field na inaasahang magsisimula sa unang kalahati ng 2026.

Malugod na tinanggap ng Pangulo ang iskedyul ng pagbabarena sa ilalim ng proyektong SC 38.

Sinabi rin ng Prime Energy sa Pangulo ang plano mag-import ng LNG para mapunan ang mga kakulangan sa Malampaya gas. Ang karagdagang tampok ay ang paghahalo ng imported na LNG sa Malampaya gas upang matiyak ang katatagan ng supply sa presyong mas mababa sa internasyonal na presyo.

Ang pinaghalong gas ay gagawing available ng Prime Energy at PNOC Exploration Corp. (PNOC-EC) sa lahat ng gas power plant sa parehong presyo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Renewal Agreement of Service Contract No. 38 (SC 38) noong ika-15 ng Mayo ngayong taon, na magpapalawig ng kontrata hanggang Pebrero ng 2039.

Binigyang-diin ng Pangulo ang pangako ng Gobyerno sa pagtiyak ng katatagan ng supply, affordability, transparency at kompetisyon sa Philippine natural gas market, partikular sa pagpapakilala ng imported LNG sa unang pagkakataon.

Sa pag-renew ng SC 38, plano ng Prime Energy na simulan ang mga aktibidad sa pagbabarena pagsapit ng 2025 sa mga field ng Camago at Malampaya East na malapit sa umiiral na Malampaya Platform at lumahok sa iba pang mga Service Contract.

Ang Prime Energy ay isang natural gas exploration at development company na may 45 porsiyento na operating interest sa Service Contract No. 38 (SC 38), na sumasaklaw sa Malampaya Gas-to-Power Project. Ang Malampaya gas field ay ang tanging indigenous gas source sa bansa.

Samantala, ang nasabing produksyon mula sa Malampaya natural gas resource ay inaasahan sa taong 2026.