Photo courtesy | Coast Guard District Palawan

MALAMIG na bangkay na nang marekober ang katawan ng 22-anyos na lalaki matapos umanong malunod nang mahulog ito sa pantalan ng Buliluyan nitong madaling araw ng Sabado, Enero 25.

Sa ulat ng Coast Guard District Palawan, nakatanggap ng tawag ang ahensiya sa umano’y lalaking nawawala matapos mahulog sa daungan habang umiihi umano ito.

Agad namang ikinasa ng mga tauhan ng Coast Guard Substation Buliluyan ang search and rescue operation kung saan narekober ang malamig na katawan ng biktima.

Nakikipag-ugnayan naman ang

Repetek News

sa pamilya ng biktima para sa karagdagang detalye ng nasabing insidente.

Author