Photo courtesy | Palawan Rescue Roxas Operation Center

Sugatan ang isang motorista nang maaksidente dulot ng sobrang kalasingan sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Magara sa bayan ng Roxas, Palawan, nitong gabi ng Miyerkules, Enero 22.

Ayon sa detalye, pauwi umano ang biktima sa kanilang tahanan galing sa isang inuman nang bigla itong mawalan ng kontrol sa manibela habang nagmamaneho na naging dahilan sa naganap na insidente.

Agad namang dinala ang biktima sa Operation Center ng mga kawani ng Palawan Rescue Roxas upang malapatan ng paunang lunas. Sinundo naman kalaunan ang biktima ng kanyang mga kaanak at iniuwi sa kanilang bahay.

Samantala, paalala sa lahat ng motorista, huwag magmamaneho kapag nasa impluwensya ng alak upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Author