Photo courtesy | PPPO

Nasabay ng Palawan Provincial Police Office (PPO) ang mahigit isandaang libong piso na halaga ng shabu sa loob ng siyam (9) araw ngayong taon.

Sa patuloy na pinaiigting na kampanya kontra iligal na droga, nakumpiska ang kabuuang 22.21 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa pamamagitan ng magkakahiwalay na operasyon na matagumpay na isinagawa ng mga kapulisan sa lalawigan.

Ayon sa police report, pumapalo sa tinatayang P199,000 ang halaga ng nasamsam na iligal na droga sa loob ng siya na araw mula Enero 25 hanggang Pebrero 2, 2025, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Joel Dalisay Casupanan, Provincial Director.

Ang pagkakasabat sa malaking halaga ng iligal na droga ay resulta ng pagkakaaresto ng mga kapulisan sa tatlong drug personalities na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nakapagtala naman ang MIMAROPA ng kabuuang halaga ng iligal na droga na nasa P316,540.00 matapos makumpiska ng mga kapulisan sa rehiyon ang 46.55 gramo ng pinaghihinalaang shabu mula ika-25-31 ng Enero, taong kasalukuyan.

Dahil dito, naaresto ang apat na drug personalities sa Occidental Mindoro; isa naman sa Oriental Mindoro habang tatlo naman sa lalawigan ng Palawan na kung saan nasa kabuuang walong katao ang natimbog sa magkakahiwalay na police operations.

Author