Photo courtesy | TripAdvisor

PATULOY na kumikinang ang kaakit-akit na kagandahan ng isa sa mga hiyas ng bansa—ang El Nido, matapos manguna ang dalawang instagramable worthy na beaches sa listahan ng best beaches in the Philippines.

Mula sa popular na website na TripAdvisor ang nasabing anunsyo. Ito ay isang app para sa paglalakbay na nagbibigay ng mga review at rating mula sa mga gumagamit tungkol sa mga hotel, atraksyon, restawran, at iba pang serbisyo.

Tumutulong ito sa mga users na makahanap ng pinakamagagandang destinasyon na kung saan milyun-milyong reviews at rating mula sa mga nagbibiyahe sa buong mundo.

Top 2 list ang Nacpan Beach na kilala sa kaniyang apat na kilometrong haba na malasutlang puting buhangin at malinaw na asul na tubig. Ito ay napapalibutan ng mga luntiang puno ng niyog na nagbibigay ng isang kaakit-akit na paraisong tropikal.

Isa pang sikat na destinasyon para sa mga turista ang Las Cabanas Beach na kilala rin bilang Maremegmeg Beach na ika-anim sa best beaches sa buong bansa. Ito ay kilala sa kanyang mga kamangha-manghang tanawin, ginintuang buhangin, at malinaw na tubig. Maaaring mag-enjoy ang mga bisita sa paglangoy, pagsunbathing, island hopping, at kahit ziplining.

Tanyag ang El Nido sa kakaibang natural na kagandahan tulad ng mga puting buhangin, coral reefs, at limestone cliffs. Isa ito sa mga most-visited na mga lugar sa Palawan kabilang ang Coron at Puerto Princesa.

Sa kasalukuyan, umaabot naman sa tinatayang 30 flights bawat araw papunta at paalis ng El Nido Airport.

Author