Ngayong buwan ng Pebrero naitala ang “highest rainfall” sa lungsod ng Puerto Princesa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nito lamang ika-10 ng Pebrero, naitala sa kasaysayan ng lungsod ang 342 millimeters of rainfall na itinuturing na “highest rainfall”.
“Extra-Ordinary” kung ilarawan ni Ginoong Sonny Pajarilla ng PAGASA PPC Station ang nangyaring pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Aniya, mas mataas ito kung ikukumpara sa naitala na 269 mm noon pang 1975 o limampung taon na ang nakalilipas.
“Ang ating total rainfall ay 342 mm. Marami po ‘yun breaking the standing record for about 50 years ng Puerto Princesa since na [mayroon] po tayong na-establish na weather station natin dito.
Naitala po ‘yung pinakamaraming ulan nu’ng December 29,1975—269 mm, ibig sabihin, we have the new record,” pahayag ni Pajarilla.
Dagdag pa ng opisyal, nakapagtala rin ng 340 mm of rainfall ang bayan ng Aborlan kaya kung mapapansin ang naging pag-ulan sa lungsod at bahaging South ay halos pareho ang ibinuhos na lakas at volume.