Photo courtesy | LGU Narra

PUERTO PRINCESA CITY — Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon ng Narra Slaughterhouse project sa nabanggit na bayan pagkatapos igawad ang No Objection Letter 1 (NOL1) nina Regional Project Director Atty. Christopher R. Bañas at Regional Technical Director Vener L. Dilig nitong araw ng Huwebes, Pebrero 20.

Iginawad kay Narra Mayor Gerandy Danao at Market Supervisor Djan Bernardo ang liham na nagpapatunay ng paglalaan ng mahigit 52 milyong pisong pondo para sa nabanggit na proyekto na makatutulong sa pagpapalakas ng produksiyon ng meat industry sa nasabing bayan.

Kasama sa makabagong katayan ang isang pangunahing gusali, holding pens, wastewater treatment plant, tangke ng tubig, guard house, carport, electrical building, pump house, at butchers’ quarters.

Ayon sa Philippine Rural Development Project (PRDP) MIMAROPA, ang higit sa 3,900 square-meter na pasilidad ay magpapalakas sa industriya ng pagba- baboy sa lalawigan.