PHOTO || PROVINCIAL INFORMATION OFFICE

Ni Vivian R. Bautista

NITONG ika-17 ng Hulyo, ginanap sa Centennial Pavilion ng kapitolyo ang paglulunsad ng KADIWA ng Pangulo (KNP) 2023 na kung saan ay nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Gobernador V. Dennis M. Socrates.

Sa kaganapan, makikitang ibinebenta ang ibaโ€™t ibang produktong pang-agrikultura gaya ng mga sariwa at masusustansyang gulay, prutas, poultry products, nuts at dried products, mga lokal na produkto, groceries at bigas na mula pa sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Palawan.

Naging posible rin ang nasabing aktibidad sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) katuwang ang Palawan Tarabidan Multipurpose Cooperative bilang opisyal na โ€˜Katuwang sa Diwa at Gawa para sa masaganang Ani at Kitaโ€™ o KADIWA partner sa Palawan, Department of Interior and Local Government (DILG), National Food Authority (NFA), Deparment of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) Palawan, at NCCC Palawan.

Nagpapasalamat naman si Gob. Socrates sa nasabing programa ng pangulo sapagkat sa pamamagitan nito ay matutulungan umano nito ang mga Palaweรฑong mamimili sa pamamagitan ng mura at aboโ€™t kayang produkto pati narin ang mga producers na maibenta ang kanilang mga produkto sa tamang halaga.

โ€œThank you for this project sapagkat alam natin na maraming makikinabang dito, matutulungan ang ating mga producers at ganun din ang ating mga consumers sa pamamagitan ng mabibiling pangangailangang pagkain at basic necessities sa murang halaga, ani Gob. Socrates.

Tinuran ni Provincial Agriculturist Dr. Romeo M. Cabungcal na ang pakikiisa ng lalawigan sa KNP 2023 ay bilang pagpapakita umano ng suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na may layuning magbigay sa mga consumers ng access para sa mura at dekalidad na mga produktong pagkain partikular na ang mga gulay at prutas pati narin ang mga magsasaka, mangingisda at micro-enterprises sa pagbebenta ng kanilang mga produkto, batay sa Tanggapan ng Impormasyon ng Kapitolyo.

Samantala, una nang sinabi ni Pang. Marcos sa isang ceremonial signing ng KADIWA sa Pampanga na kailangan umanong palakasin ang produksyon upang mapanatili ang abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin na pabor sa mga mamimili na maaaring gawin sa tulong ng ibaโ€™t ibang sektor.

Upang maisakatuparan ang layuning ito, sinabi ni Marcos na ang DA sa tulong ng iba pang ahensya, ay kumikilos upang palakasin ang produksyon ng butil at isda, gayundin ang paghahanap ng mga solusyon sa mga sakit na sumasalot sa industriya ng mga hayop at manok.