Ni Vivian R. Bautista
ALAM niyo ba na ang Coral Reefs sa buong mundo ay higit na nakatutulong sa planeta kaysa pagbibigay ng kagandahan sa ilalim ng dagat?
Pinoprotektahan ng mga coral reef
Ang mga baybayin mula sa mga bagyo at pagguho, nagbibigay din ito ng mga kabuhayan para sa mga lokal na komunidad at iba pa.
Ang mga ito ay pinagmumulan din ng pagkain at mga bagong gamot.
Ayon sa United Nations, nasa mahigit kalahating bilyong tao ang umaasa sa mga bahura para sa pagkain, kita, at proteksyon.
Ang mga korales ay mga sessile na hayop na “nag-ugat” sa ilalim ng karagatan, kaya hindi kataka-taka na maraming tao ang nag-iisip na ang mga korales ay mga halaman.
Pinaniniwalaang nakagagamot ng sakit na kanser ang mga maliliit na hayop na nagdudulot ng mga bahura, kaya’t nagbibigay ito ng pag-asa upang makagawa ulit ng mga bagong gamot.
Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang pag-init ng tubig, polusyon, pag-aasido ng karagatan, labis na pangingisda, at pisikal na pagkasira ay siyang pumapatay sa mga coral reef sa buong mundo.
Nagsisimulang mabuo ang mga coral reef kapag ang malayang paglangoy ng coral larvae ay nakakabit sa mga nakalubog na bato o iba pang matitigas na ibabaw sa mga gilid ng mga isla o kontinente.
Gayunpaman, hindi tulad ng mga bato, ang mga korales ay may buhay. At hindi tulad ng mga halaman, ang mga korales ay hindi gumagawa ng sarili nilang pagkain.
Sa katunayan, ang mga korales ay mga hayop.
Ang mga korales ay kumakain ng plankton na mga invertebrate na hayop na tinatawag na polyp na parang anemone.
Ang mga bihasang siyentipiko ay naglabas ng datos na nagpapakita na ang mga lugar na protektado ng dagat ay maaaring makatulong sa pagsalba ng mga bahura kung ang mga ito ay ilalagay sa tamang mga lugar.
Ngunit ngayon, sa pangunguna sa World Oceans Day nitong Hunyo 8, nagbabala ang mga siyentipiko tungkol sa masamang epekto ng pagkasira ng mga bahura sa karagatan at ang magiging epekto nito sa pagbabago ng klima.
Ang kanilang pagkawala ay magiging sakuna; na maaaring magresulta sa daan-daang milyong tao sa mundo ang puwedeng mawalan ng kanilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at kita.