Photo courtesy | Aeron Guanco Facebook

PUERTO PRINCESA CITY โ€“ Pasok na sa Grandfinals o Huling Tapatan ng ikapitong taon ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ang tubong Narra, Palawan, na si Aeron Guanco matapos makakuha ng pangalawa sa pinakamataas na boto sa Madlang People’s Choice award ngayong Sabado Enero 20.

Nakuha ni Aeron ang 29 porsyentong boto habang 32 porsyentong pinakamataas na boto ang nakuha ni Emmanuel Pescador ng Lungsod ng Bacolod.

“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa suporta na ibinigay niyo po sa akin. Sa lahat po ng bumoto at [nag-pray] para makapasok po ako sa grand finals. [M]araming, maraming salamat po. Asahan niyo po na gagawin ko po ang best ko para makamit ko po ang tagumpay, para sa inyo po ang laban ko na ‘to! Love you all,” ani Guanco.

Mag-uumpisa na rin ngayong araw ng Lunes, Enero 22 hanggang 26, ang matinding sagupaan ng mga pangmalakasan sa tanghalan at makakasama rin ng mga kalahok sa pagkanta ang ilang Kapamilya singing champions na kinabibilangan nina Mitoy Yonting, Kris Lawrence, Jason Dy, Laarni Lozada, Khimo, Janine Berdin, Laine Duran, JM Yosures, Reiven Umali, at Mark Michael Garcia.

Matatandaang, si Guanco ang kauna-unahang Palaweรฑong nakapasok sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.