Photo courtesy | PCSDS

PUERTO PRINCESA CITY — Nagsagawa ng kampanya ang pamunuan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSDS) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Aborlan ukol sa mga batas na may kinalaman sa implementasyon ng Strategic Enviroment Plan (SEP) Clearance System at iba pa na ginanap sa Municipal Hall nitong ika-19 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ni PCSDS Legal Staff Dennis Creach Barcelona ang aktibidad kung saan tinalakay nito sa kaganapan ang PCSD Resolution Blg. 23-921 o mas kilalang “Revised Guidelines in the Implementation of the SEP Clearance System”.

Dagdag dito, pinag-usapan ang PCSD Administrative Order No. 05, No. 12 at ang mga proseso sa pagkuha ng mga kaukulang dokumento sa pamamagitan ng Biodiversity Resources Access Information Network (BRAIN) System ng ahensya.

Kaugnay rito, tinalakay rin ang mga batas sa kapaligiran na may malaking bahagi sa pagprotekta sa mga tao, hayop, mapagkukunan, at tirahan. Kung wala ang mga katulad nitong batas, wala rin umanong regulasyon tungkol sa polusyon, kontaminasyon, pangangaso, at pagtugon sa mga posibleng sakuna.

Samantala, dumalo sa kaganapan sina Aborlan Mayor Jaime Ortega kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, Natural Resources sa pangunguna ni SB Arnel Ortega, Department Heads, at Wildlife Special Use Permit (WSUP) holders.