ABOUT US

Ang REPETEK {Kokoona orchracea (Elm.) Merr.} ay isang uri ng punong kahoy na natatangi na matatagpuan lamang sa kagubatan ng Palawan, Peninsular Malaysia at Borneo.

Ito ay nakatatawag pansin at nakakaakit ng interes dahil sa malulutong na tunog kapag sinisindihan. Tulad ng saleng at almaciga (batik), ito ay madaling dumingas at nagdudulot ng malabughaw at naninilaw-nilaw na luntiang ningning.

Ang pinagsanib na katangian nita ang pinagmulan noong Pebrero 1, 2005 ng pahayagang REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino.

Layunin ng pahayagang ito ang magsilbing gabay at tanglaw ng mga mamamayan tango sa katotohanan, katarungan, at kapayapaan na nakasentro sa kapaligiran.

Contact Us