LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Patuloy na sinusuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasagawa ng rotation at reprovisioning ng kanilang mga tropa na nakatalaga sa BRP Sierre Madre (LS57) niyong araw ng Martes, Marso 5, ayon sa ahensya.
Ang mga resupply boats na kinabibilangan Unaizah Mayo 1 at 4 ay suportado ng mga barko ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak na malaya at ligtas itong bibiyahe patungong BRP Sierra Madre na kung saan naghahatid ng mga suplay sa mga nakatalagang tropa ng militar sa lugar.
Ayon sa pa sa ahensya, ang naturang pagkilos ay nakagawian na upang mapanatili ang pwersang militar na naka-deploy sa West Philippines Sea (WPS) at mapanatili ang presensya ng Pilipinas sa eksklusibong sonang pang-ekonomiya nito
Ito rin ay nagpapakita ng pangako ng AFP sa pagtiyak na ang bawat Pilipino ay nararapat na makinabang sa rehiyong ito na mayaman sa natural resources.
Matatandaang noong Agosto 2023 ay matagumpay ang isinagawang Rore mission ng AFP sa Ayungin Shoal sa kabila ng pagtatangka ng mga sasakyang dagat ng China na harangin ang dalawang resupply boats ng Pilipinas.