Photo Courtesy | PIO Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines โ€” Nasungkit ng koponan ng Quezon kontra koponan ng San Vicente ang kampeonato sa iskor na 91-73 sa katatapos pang na Championship Game ng ‘Baragatan Inter-LGU Basketball Tournament 2024’ nitong Linggo ng gabi, Hunyo 16, na ginanap sa Palawan State University (PSU) Gymnasium, Brgy. Tiniguiban.

Tumataginting na isandaang libong pisong (P100,000.00) cash prize at plake ang naiuwi ng bayan ng Quezon habang walumpung libong piso (P80,000.00) naman ang tinanggap ng koponan ng San Vicente, Palawan.

Samantala, sa iskor na 97-91, nanalo ang koponan ng Brooke’s Point kontra koponan ng Taytay na parehong umuwi ng cash prizes na nagkakahalaga ng P60,000.00 at P40,000.00.