Photo courtesy | PAGCOR

Ni Marie Fulgarinas

Kasama sa walong (8) nagwagi sa Mobile Category Photography Contest 2024 ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na may temang “Harvest Time” ang kuhang larawan sa bayan ng Balabac, Palawan, tampok ang matandang seaweed farmer.

Ito ay kuha ni Ivan Cris E. Romero na pinamagatang the “Ageless Harvest” dahil sa kabila ng edad ng magsasaka ay patuloy pa rin itong naghahanapbuhay sa pamamagitan ng seaweed farming.

Tunay ngang mayaman ang industriya ng lato o seaweed farming sa Palawan — hindi lamang ito sikat na hanapbuhay sa bayan ng Cuyo, Magsaysay, Dumaran, at Coron, at iba pang kabayanan sa North area — mayroon din palang tinatagong masaganang lato farming ang Isla ng Balabac.

Samantala, narito ang pito (7) pang nagwagi sa Mobile Category Photography Contest ng PAGCOR: ito ang Masaganang Ani, Gems of Laguna Lake, Future Farmer, Family Harvest, Catching Crabs, Banana Extravaganza: A Feast of Abundance, Balad.