Photo courtesy | Puerto Princesa City Tourism

Bumisita sa Lungsod ng Puerto Princesa ang AidaStella cruise ship lulan ang mahigit dalawanlibong mga pasahero at crew members kahapon, Linggo, Enero 12.

Nilalayon ng pagbisita na dalhin ang mga turistang parokyano sa mga pasyalan ng lungsod gaya ng Puerto Princesa Underground River, Butterfly Garden, Honday Bay, Balayong Peoples Park, at marami pang iba.

Inaasahang dadagsain pa ng iba’t ibang cruise ship lines ang siyudad sa mga susunod na araw at buwan.

Author