Photo courtesy | PIA Palawan

Iniabot ni Senador Allan Peter Cayetano ang tulong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P100,000.00 sa samahan ng AIRTODA o Puerto Princesa Airport Tricycle Operators and Drivers Association, batay sa ulat ng Philippine Information Agency (PIA) Palawan.

Ang ibinigay na cash grants ay mula sa programang Presyo, Trabaho/Kita, Kaayusan o PTK ng senador.

Kaugnay rito, personal itong iniabot ni Cayetano kay AIRTODA Chairman John Pope ngayong araw ng Sabado, Setyembre 7, kasabay ng pagbisita ng senador sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon pa sa ulat, dati na ring nabigyan ng tulong pangkabuhayan ang nasabing asosasyon mula sa programa ng senador.