PHOTO//GOOGLE

Ni Imam Sonsong M. Camama/Program Manager, City Muslim Affairs

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN PARA SA PAMAYANANG MUSLIM

Ang karugtong…

pagpaparinig at ang paghahangad ng tao sa mundo sa kanyang ginagawa.

19. At kabilang sa mga nakapagpawalang saysay sa Tawheed ay ang pagsunod sa mga Pantas, Prinsipe at bukod sa kanila sa pagbabawal sa ipinahihintulot, at pagpapahintulot sa ipinagbabawal, sapagkat ang pagsunod sa kanila ay isang uri ng Shirk.

20. At kabilang sa mga nakasisira sa Tawheed ay ang pagsabi ng “Ang anumang ninais ni Allah at ninais mo “O ang pagsabi ng “Kung hindi si Allah at si ginoo”. Ang dapat ay ang paggamit ng salitang “Pagkatapos” sa lahat ng ito. Sapagkat ipinag-uutos niya (Muhammad) ito, na kapag nais nilang manumpa, dapat nilang sabihin: “Ang anumang ninais ni Allah at pagkatapos ay ninais mo” [An-Nisaai]

21. At kabilang sa mga nakasisira sa Tawheed ay ang pagsumbat sa panahon, sa tiyempo, sa mga araw at buwan.

22. At kabilang sa mga nagpapawalang saysay sa Tawheed ay ang pangungutya sa relihiyon, mga Sugo, Qur’an, at Sunnah, O ang pangungutya sa mga taong matuwid, Pantas, dahil sa pagtataguyod nila sa Sunnah, at pagkahayag nito sa kanila tulad ng pagpapahaba ng balbas, paggamit, ng Siwak, pagpapaigsi ng kasuotang lambong hanggang sa may bukong-bukong, at ang mga katulad nito.

23. At kabilang din dito,ang pagtatalaga ng “Abdul Nabi” O Abdul Ka’bah” O di kaya “Abdul Husain”. Ang lahat ng ito ay hindi ipinahihintulot, bagkus ang tunay na pagsasaalipin ay para lamang kay Allah katulad ng ating pagsabi “Abdullah” at ‘”Abdul Rahman”.

24. At kabilang sa mga nakasisira sa Tawheed ay ang pagguhit ng larawan ng mga may buhay, pagkatapos ay dinadakila ang larawan na ito at ikinakabit sa dingding, sa mga sala at iba.

25. At kabilang sa mga nagpapawalang saysay ng Tawheed ay ang pagkabit ng mga krus, at ang pagguhit nito o hayaang nakatalaga ito sa damit na may pagpapahintulot, and dapat ay sinisira ang krus at binubura ito.