PHOTO//GOOGLE

Ni Imam Sonsong M. Camama/ Program Manager, City Muslim Affairs

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN SA PAMAYANANG MUSLIM

Gayon din ang taong kakayahan na buhay nakakapangasiwa sa mga material na bagay, matutulungan ka niya sa pamamagitan ng kaniyang kamay, at makikipagdamayan sa iyo, mabibigyan ka niya ng pera bilang utang o tulong na maaari mong maipatatayo ng tahanan, o mabibigyan ka niya ng isang kaperasong pesa para sa iyong sasakyan, o makakatulong bilang tagapamagitan sa taong tutulong sa iyo.

Samaktuwid ito ay mga materyal na bagay, at walang masama rito, at hindi napaloob sa pagsamba sa mga patay, at mga katulad nito.

At marami sa mga tagapag-anyaya ng Shirk na itinutulad nila ito sa mga bagay na yaon, at ito ay maliwanag na mga bagay, napakalinaw. Hindi nakalilito maliban sa napakamangmang sa sangkatauhan. Samaktuwid, ang pagtutulungan sa mga buhay ay isang bagay na ipinahihintulot batay sa mga kilalang kondisyon nito.

At ang paghiling sa mga patay, paghingi ng saklolo sa mga patay, at ang pagpanata sa kanila ay isang bagay na ipinagbabawal at kilala sa mga Pantas, walang pagtatalo dito sa pagitan ng mga sahabah at sa mga nahuli sa kanila mula sa kanila mula sa mga may kaalaman, pananampalataya at talino.

At ang pagpapatayo ng istruktura sa ibabaw ng mga puntod at pagtalaga ng mga mosque dito at mga kupola, ito rin ay ipinagbabawal, alam na alam sa panig ng eskolar, dumating ang Islamikong Batas na ipinagbabawal ito, kaya hindi nararapat sa mga eskolar na malito rito.

Samaktuwid, ang dapat sa mga eskolar na malilito rito ay muling paalala na sila ay matakot kay Allah, saan man sila naroroon, at payuhan nila ang mga alipin ni Allah, at turuan sila sa batas ni Allah, na huwag silang magkukunwari rito maging sa kay Zaid, ni kay Umar.

Bagkus, tuturuan nila ang prinsipe, maliit at malaki, at babalaan nila ang lahat sa mga ipinagbabawal ni Allah, at gagabayan sila sa mga isinabatas ni Allah.

Author