PHOTO//GOOGLE

Ni Imam Sonsong M. Camama/ Program Manager, City Muslim Affairs

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN PARA SA PAMAYANANG MUSLIM

(Ang karugtong…)

Ito ang karapat-dapat sa mga iskolar saan man sila naroroon sa pamamagitan ng harap-harapan na pakikipag-usap, at sa pamamagitan ng pag-aakda at sa pamamagitan ng pagtalumpati sa madla at bukod dito, at sa pamamagitan ng telepono at sa pamamagitan ng telex sa lahat ng mga paraan na matatagpuan sa ngayon, sa pamamagitan nito’y makakatulong sa pagpapalaganap ng paanyaya ni Allah at para sa pagpayo sa mga alipin ni Allah. Hiling natin kay Allah ang kapatnubayan ng lahat at walang kapangyarihan at lakas maliban kay Allah.

ANG KAHATULA SA ASTROLOHIYA Tinatanong ang permanenteng komite para sa pagsasaliksik ng kaalaman at pagtakda ng kahatulan: (Natunghayan namin sa ilan sa mga newspaper at magasin na Arabic sa mga pahina na pinangalanang-AI-Abraaj na tumalakay siya dito tungkol sa AI-Abraaj (sign of zodiac): Aries: (lalaking tupa), Turus (toro) at (Gemini) (magkambal)….Atbp. At sinasabi rito: Ang mga sanggol na ipinanganganak na buhat sa ibabaw ng Al-Abraaj na ito, sa kanila’y ipinangangamba ang tuluyan nang pagkawala, kung saan kasi ang paghalo sa kanila ay magbabago, at ito ay sa dahilang batay sa sinasabi ng magasin-ang ring na iniikutan ng mga ng mga planeta ay halos magkakabanggaan sa tindi ng pagkakasalungatan!

Hanggang sa bandang huli na matutunghayan sa newspaper na ito na sinusubaybayan ng ilan sa mga kabataan na mga Muslim! Na inilakip para sa inyo kasama ng sulat na ito, kaya aming inaasahan na mabigyan ng paliwanag kung ano ang kahatulan ng Islam sa gawaing ito (Al-Abraaj)?

At ano ang iyong maipapayo sa mga Muslim at sa mga nagtataguyod sa katulad ng ganitong mga magsin?

Sinagot ng naturang lupon sa Fatwa (no.177727) ayon sa mga sumusunod: Tunay na ito ay kabilang sa astrolohiya na isinaalang-alang dito ng mga kasuwertihan mga kamalasan, mabuting pangitain at masamang pangitain. at ito ay pag-iisip at paniniwalang makamangmang, ipinagbabawal at hindi ipinahihintulot na gawin ito, ni pagsanayan at ipalaganap, at sa pagpapalaganap nito sa mga newspaper at iba pa rito ay pagdadagdag sa pag-aanyaya sa pagkaligaw at paninira sa paniniwala ng mga muslim at pag-aangkin ng kaalaman sa AI-Ghaib na ito ay may katangiang naitatangi lamang kay Allah, sinabi ng kataas-taasan (Allah): walang nakakaalam sa sinumang nasa mga kalangitan at kalupaan sa AI-Ghaib maliban kay Allah at hindi nila dama kung kailan ang kanilang pagbabangong-muli.

At sinabi pa niya: {At nasa Kanya ang mga susi ng AI-Ghaib, walang nakakaalam nito maliban sa Kanya at kanyang nalalaman ang anumang nasa kalupaan at karagatan at walang nalaglag na dahon kundi nababatid Niya ito, at walang butil sa mga kadiliman ng lupa, at walang sariwa at tuyo kundi nasa pahayag na Aklat}.

At sa katunayan, ikinaila ni Allah sa pamamagitan ng dila ng Kanyang Sugo na si Muhammad ang pag-aangkin ng kaalaman sa AI-Ghaib, at Kanyang sinabi: {Sabihin mo (O Muhammad): Hindi ko sinasabi sa inyo na ako ay isang Anghel. Wala akong sinusunod kundi kung ano ang ipinahahayag sa akin. Sabihin mo: Magkatulad ba ang bulag at ang nakakakita, hindi ba kayo nag-iisip}

(…Itutuloy)

Author