PHOTO//GOOGLE

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN PARA SA PAMAYANANG MUSLIM

Ni Imam Sonsong M. Camama, Program Manager/ City Muslim Affairs

(Ang karugtong…)

Samaktuwid, ang Islamikong Batas ay dumating na may katamtaman, dumating nang may paggalang sa mga puntod, pananalangin ng kapatawaran at habag para sa mga nandidito, pagbisita sa kanila upang manalangin para sa kanila at humiling ng kapatawaran para sa kanila, at ipinagbawala ang pamiminsala sa kanila sa pamamagitan ng mga basura at mga dumi, ng ihi, pag-istambay sa ibabaw nito at iba pa.

At ang ilan sa mga halimbawa nito ang naipahayag sa tumpak na Hadith, ang Propeta ay nagsasabi: “Huwag kayo maupo sa ibabaw ng mga puntod at huwag magsagawa ng Salah na nakaharap dito”. Hindi ipinahihintulot na italaga itong nasa Qiblah, ang maupo dito. Kaya’t pinag-isa ng dakilang ganap na Islamikong Batas ang dalawang naturang bagay; sa pagitan ng kabawalan ng pagmamalabis sa mga (taong) nasa puntod, ang pagpanalangin sa kanila bukod kay Allah, paghingi ng saklolo sa kanila, pagpanata sa kanila at mga katulad nito, magkagayon ito ay nabibilang sa malaking Shirk.

At sa pagitan ng pagbabawal sa paminsala sa kanila, paghamak sa kanila, pag-upo sa ibabaw ng mga puntod nila, o ang pag-apak dito, pagsandal dito o paglagay ng mga basura dito, ang lahat ng ito ay ipinagbabawal. At sa pamamagitan nito nalalaman ng isang mananampalataya at naghahanap ng katotohanan na ang Islamikong Batas ay dumating na may katamtaman; walang Shirk at walang pamiminsala at panghahamak. Sa makatuwid ang Propeta at ang mabuting tao ay maaaring ipanalangin siya, ipanghiling ng kapatawaran at bumati sa kanya ng Salam sa sandaling binisita siya. Samantalang ang manalangin sa Kanya sa iba pa kay Allah ay hindi ipinahihintulot.

Kaya’t hindi dapat sinasabi: O aking amo! Tulong po, tulong po. O tulungan mopo ako sa ganito- Sa katunayan ito ay hinihiling kay Allah (lamang) – at hindi dapat hinahamak na kung saan ay maglagay ng dumi sa ibabaw ng kanyang puntod. O hakbangan. O apakan ito, hindi ito at hindi iyon.

(…Itutuloy)

Author