Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City Muslim Affairs
ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN PARA SA PAMAYANANG MUSLIM
Ang karugtong…
26. At kabilang sa mga nagpapawalang saysay ng Tawheed ay ang pagtangkilik sa mga di-mananampalataya at ipokrita sa pamamagitan ng pagdakila at paggalang sa kanila, pagtawag sa kanila ng katagang “As-Sayyid” at labis na paggalang at pagmamahal sa kanila.
27. At kabilang sa mga nagpapawalang saysay ng Tawheed at nakasisira nito ay ang paghatol bukod sa mga ibinaba ni Allah at ang pagpalagay na ang mga gawa-gawang batas ay nasa katayuang antas ng matatag na batas ng Islam, sa pamamagitan ng paniniwalang ang gawa-gawang batas ay higit na karapat-dapat sa paghahatol, o ang gawa-gawang batas ay katulad ng batas ng Islam at higit na angkop sa kasalukuyang panahon, at ang pagkalugod ng mga tao dito ay napapaloob sa kahatulang ito.
28. At kabilang sa mga nakasisira sa Tawheed ay ang panunumpa bukod kay Allah, tulad halimbawa ng panunumpa sa “Propeta” o sa (katagang) “Amaanah” o sa iba pa rito. Ang Propeta (Muhammad) ay nagsabi: “Ang sinumang nagsumpa sa iba pa kay Allah, tunay na siya ay nakagawa ng kawalang pananampalataya o shirk”. [Tirmidhi] – at binigyang diin niya ito ng kahusayan].
Aking kapatid na Muslim, yamang tungkulin nating bigyan ng kabuluhan ang Tawheed at maging maingat sa mga sumasalungat at sumisira nito, tungkulin din natin na tayo ay nasa silabus o panuntunan ng Ahlis-Sunnah wal Jamaa’h “Ang ligtas na pangkat” ang silabus ng mga sinaunang pamayanan na ito mula sa mga Sahabah at sinumang dumating pagkatapos nila sa lahat ng anggulo ng pananampalataya at kaugalian.
At yamang ang Ahlis-Sunnah ay may panuntunan sa pananampalataya sa panig ng mga Pangalan at Katangian at iba pa, gayon din mayroon silang panuntunan sa pananampalataya sa panig ng mga Pangalan at iba pa, gayon din mayroon silang panuntunan sa mga kaasalan, kaugalian, pakikitungo at sa mga pagsamba, at sa lahat ng aspeto ng kanilang kabuhayan, kung bakit nang banggitin ng Sugo (Muhammad) na ang pamayanang ito ay magkakawatak-watak sa pitumput-tatlong pangkat.