PHOTO//GOOGLE

Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City, Muslim Affairs

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN PARA SA PAMAYANANG MUSLIM

Ang karugtong…

“Ang karapatan ni Allah sa kanyang mga alipin: ang sambahin nila Siya (lamang) at huwag sila magbigay ng katambal sa Kanya ng anuman”. Kaya ang sinumang napatunayan ang Tawheed ay makakapasok sa Paraiso, at sinuman ang gumawa o naniwala sa mga nagpapawalang kabuluhan nito at nakasisira nito, siya ay mapabibilang sa mga taong maninirahan sa Impiyerno. At dahil sa Tawheed ipinag-utos ni Allah sa mga Sugo na puksain ang kanilang mga tao hanggat hindi nila pinaniniwalaan ito. Sinabi niya (Muhammad)(“Ipinag-utos kong puksain ang sangkatauhan hanggat hindi nila sinasaksihan na walang tunay na Diyos maliban kay Allah”) Bukhari at Muslim.

Ang pagpapatunay sa Tawheed ay nagsisilbing daan sa kaligayahan sa mundo at kabilang buhay, at ang pagsalungat dito ay nagsisilbing daan sa kagipitan.

Ang pagpapatunay sa Tawheed ay isang daan para sa pagkakaisa ng sambayanan at pagkakaisa ng mga hanay at salita nito, Samantalang ang pagkakaroon ng kasiraan sa Tawheed ay isang dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkakawatak-watak.

At dapat mong malaman aking kapatid – nawa’y kahabagan tayo ni Allah – na hindi lahat ng nagsasabi ng : “Laa ilaaha illallaah” ay nagpapatunay ng Kaisahan, bagkus ay dapat maipatupad ang pitong kondisyonna binanggit ng mga pantas :

1- Ang malaman ang kahulugan nito at ang pinakakahulugan dito, sa pagkakaila at pagpapatunay. Samakatuwid walang karapat-dapat na sambahin maliban kay Allah, ang kataas-taasan.

2- Ang napakalaking, madalas na paulit-ulit na pahayag, “Laa Iaaha Ill-Allaah,” sa iba’t ibang anyo nito, ay ang pahayag ng Tawheed na ipinadala ng lahat ng mga Propeta at Sugo upang turuan ang mga tao. Ang Propeta (sallallaahu ‘alayhi wa sallam) ay nagsabi: “walang sinuman ang may karapatang sambahin maliban sa Allah lamang, na walang katambal, “ang Paraiso ay magiging obligado para sa kanya,” ngunit ano ba talaga ang ibig sabihin ng pahayag na ito, at paano nakikinabang sa mananampalataya ang pag-alam at pag-unawa sa mga implikasyon nito?

(Itutuloy)