Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City Muslim Affairs
ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN PARA SA PAMAYANANG MUSLIM
Ang karugtong…
Ang Tawheed:
Ang pakahulugan nito sa letiral: Pinagkukunan ng Wahhada (pinag-isa), hinango sa Wahid (isa), kaya sasabihing: Wahhadahu wa Ahhdahu wa Mutawahhid; Ibig sabihin ay: Nagtataguyod ng kaisahan.
Ang kahulugan nito sa pang-Islamiko: Ang pagtangi kay Allah sa Kanyang pagka-panginoon (Gawain) at pagka-diyos ng wala sa iba sa Kanya, at tunay na Siya ay nagtataglay ng magagandang mga Pangalan at matataas na mga Katangian, at tunay na siya ang pinakasagka ng mga Propeta at ang pagsunod sa kanya sa anumang naiparating niya tungkol kay Allah.
Ano ang pinapakahulugan sa Tawheed?:
Si Shaikh Al-Islam, Ibn Taimiyyah ay nagsabi: Ang Tawheed na naiparating ng mga Sugo ay naglalaman ng pagpapatunay sa pagka-diyos ni Allah lamang, sa pamamagitan ng kanyang pagsasaksi na walang ibang diyos maliban kay Allah, at huwag sila sumamba maliban sa Kanya, at huwag nila ibaling ang kanilang pagtitiwala maliban sa Kanya at huwag sila tumangkilik maliban para sa Kanya, at huwag sila makipagsabwatan kundi dahil sa Kanya, at huwag sila gumawa kundi alang-alang sa Kanya. Samakatuwid hindi ang pinapapakahulugan sa Tawheed ay ang kaisahan sa pagka-panginoon lamang”.
Ang ikatlong uri: Tawheed Al-Asma’ was Sifaat.
At ito ay ang pagtangi ni Allah sa mga Pangalang itinakda Niya sa Kanyang Sarili, at paglarawan sa kanyang Sarili sa Kanyang Aklat (Qur’an) o sa dila (pahayag) ng Kanyang Sugo (Muhammad), at ito ay sa pamamagitan ng pagpapatunay sa Kanyang mga pinatunayan nang walang pagpapalit sa kahulugan, at walang pagtanggi sa kahulugan, at walang pagbibigay sa kahulugan, at walang pagbibigay sa kahulugan at walang paghahalintulad.
Ang mga katangian ng Tawheed Al-Uluhiyyah:
Ang kaisahan ni Allah at ang pagtangi sa Kanya sa pagsamba ay kabilang sa pinakadakila sa mga biyaya at pinakamainam nito nang walang pasubali.
(Itutuloy)