Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City Muslim Affairs
ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN SA PAMAYANANG MUSLIM
Ang mga katangian at mabubuting bunga nito ay di mabibilang at di kayang takdaan, samakatuwid ang mga katangian ng Tawheed ay pinag-ipon ang kabutihan ng mundo at kabilang buhay. At ang ilan sa naturang mga katangian ay ang mga sumusunod:
- Tunay na ito ang pinakadakilang biyaya na ipinagkaloob ni Allah sa Kanyang mga alipin kung saan ay pinatnubayan sila rito, katulad ng nakasaad sa Surah An-Nahl na tinaguriang Surah An-Ni’am. Samakatuwid, inuna ni Allah ang biyaya ng Tawheed sa lahat ng biyaya. At Kanyang sinabi sa unahan ng Surah An-nahl: {Ipinabababa Niya sa mga Anghel ang Ruh (Kapahayagan) sa Kanyang kautusan sa kaninumang nais Niya sa Kanyang mga alipin (nagsasabing):
“Magbigay babala kayo! Na walang ibang Diyos maliban sa Akin. Kaya matakot sa Akin}.
- Ito ang layunin sa paglikha sa Jinn (engkanto) at Tao. Ang Kataas-taasan ay nagsabi: at hindi Ko nilikha ang Jinn at ang Tao kundi upang Ako’y kanilang sambahin.
- Ito rin ang layunin sa pagbaba ng mga kasulatan at isa na rito ang Qur’an. Ang Kataas-taasan ay nagsabi tungkol dito: Alif-Lam-Ra. Isang Aklat na ganap ang mga Talata nito. Pagkatapos ay isinalaysay nang puspusan buhat sa harapan ng Napakatalino, Nakababatid (ng lahat ng bagay). Nagsasabing: “Huwag kayo sumamba maliban kay Allah. Katotohanan, ako (Muhammad) para sa inyo ay isang tagababala at tagapaghatid ng balita mula sa Kanya.
- Kabilang sa mga katangian nito, ito ang napakadakilang dahilan sa pagpawi ng mga kagipitan sa mundo at sa kabilang buhay at sa pagtulak sa pahirap ng mga ito. Tulad ng nasa kasaysayan ni Yunus – nawa’y maitampok sa kanya ang kapayapaan.
- At ang pinakadakilang mga pakinabang nito, ito ay nagpipigil sa pananatili sa Impiyerno. Kung may natitira pang umiiral sa puso na kahit kasing katiting ng butil ng Khardal. (Itutuloy)