Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City Muslim Affairs
ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN SA PAMAYANANG MUSLIM
O sa mga nakalingid mula sa mga Anghel o Jinn at sa iba sa kanila, o sa mga imahe , mga bato {rebulto}, mga punong-kahoy, mga bituin at ang mga katulad nito ay naibibilang sa malaking Shirk, batay sa sinabi ni Allah:
(At tunay na ang mga Mosque ay para lamang kay Allah. Kaya huwag kayong manawagan sa kaninuman bilang katambal ni Allah. At sa kanyang sinabi : {Yaon ay si Allah ang inyong Panginoon. Pagmamay-ari niya ang lahat ng kaharian samantalang yaong Inyong mga tinatawagan bukod sa Kanya ay walang pagmamay-aring kaharian kahit Qitmir (napakaliit na tuldok sa kalagitnaan ng butil ng punong palmera). Kung manawagan kayo sa kanila, hindi nila maririnig ang inyong panalangin at kung marinig man nila, hindi sila makakatugon sa inyo at sa araw ng pangbangong-muli sila ay magtatakwil sa inyong pagtatambal. At walang makapagbabalita sa iyo ng katulad ng (Allah na) Nakababatid}. At sa sinabi ni Allah : {at sinuman ang manawagan sa ibang diyos bilang katambal ni Allah na wala siyang katibayan dito. Samakatuwid tunay na ang kanyang pagsusulit ay nagtatagumpay ang mga nagtatakwil ng pananampalataya}.
Napakaraming mga talata ang nagpapahayag sa ganitong kahulugan, at ang gawaing ito ang siyang pinagsasampalatayanan ng sinaunang mga Mushrik mula sa mga di-sumasampalatayang Quraish at iba pa kanila. Sa katunayan, ipinadala ni Allah ang lahat ng mga Sugo – nawa’y itampok sa kanila ang pagpapala at kapayapaan – at ibinaba ang mga kasulatan dahil lamang sa pagtakwil dito at pagbabala.
Ayon sa sinabi ni Allah: {At sa katunayan, Kami ay nagpadala ng Sugo sa bawat pamayanan na (nagsasabing): “Sambahin ninyo si Allah at itakwil ang Thagut}.
At sinabi pa Niya: {At wala kaming ipinadalang nauna sa Inyo na Sugo maliban na aming ipinahahayag sa kanya na walang tunay na diyos maliban sa Akin kaya’t sambahin Ako.}
ANG PAGHINGI NG TULONG NG SUGO
Tanong: naririnig namin sa ibang mga tao na sila ay nananawagan. Ipagkaloob ang tulong, o Sugo ni Allah! Ipagkaloob ang tulong o Propeta ni Allah. Ano ang kahatulan dito?
Sinagot ng kagalang-galang na Shaikh na si Abdul Aziz bin Baz. Ang ganitong pananalita ay kabilang sa malaking Shirk, at ang ibig sabihin nito ay ang paghingi mng saklolo sa Propeta ni Allah. (Itutuloy)