PHOTO//GOOGLE

Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City Muslim Affairs

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN SA PAMAYANANG MUSLIM

Ang karugtong

Katotohanan, ang tunay na muslim ay yaong nagsasaliksik sa kahatulan ni Allah at ng Kanyang Sugo

sa lahat ng kalagayang nauukol sa kanyang mga kalagayan sa salita o sa gawa at kanyang ibinabatay

dito. Kung ito ay ipinahihintulot, kanyang ginawa at hindi niya iniisip ang sinasabi ng sinumang tao. At kung ito ay ipinagbabawal, kanyang iniwanan ito at nagpipigil Siya dito, at hindi niya iniisip ang pangbabastos at pangungutya ng sinuman sa mga tao bilang pagpapatupad sa Kanyang sinabi sa panig ng ipinahihintulot: ito ang mga hangganan ni Allah, kaya huwag ninyo ito lampasan.

At sa Kanyang sinabi, sa panig ng ipinagbabawal: (ito ang Ang Tanggulan ng Tawheed

mga hangganan ni Allah, kaya huwag kayo lumapit dito. At ang ibalibag ng tao ang kahatulan ni Allah

at ng Kanyang Sugo sa pader. At hindi niya ipatutupad ito kung nalaman niya ito at hindi niya sinasaliksik ito kung hindi niya alam.

Samakatuwid ito mismo ang tunay na pagkaligaw at pagkatalunan sa lahat ng mga anggulo nito. At saka, ang mga ito ay dadalawang bagay lamang at walang ikatlo: Pagkaligaw at pagkatalunan o kapatnubayan at katagumpayan. At walang pag-aalinlangan na ang bawa’t muslim ay naghahangad ng patnubay at tagumpay mula sa kanyang Panginoon at pinagsusumamuan niya ito. At kanyang hinihiling sa Kanya na kupkupin siya laban sa pagkaligaw at pagkatalunan.

Subali’t hindi nakasasapat ito lamang. Sapagkat nang ang isang dakilang Sahabi (Tagasunod) ay nagsabi sa Propeta : “Ipanalangin mo po ako kay Allah na ako ay maging kasama mo sa Paraiso. Sinabi sa kanya: “Tulungan mo ako sa iyong sarili sa pagpaparami ng pagpapatira pa”. Samakatuwid ang naturang usapin ay hindi lamang sa pamamagitan ng pangarap at paghahangad. Bagkus kailangang magtrabaho at kailangang maipatupad ang mga kautusan ni Allah, at maitigil ang Kanyang mga kabawalan. At ito ang tunay na kahulugan ng lslam na hinahangad sa nagtataglay nito na makamit ang tagumpay sa Paraiso at kaligtasan sa Impiyerno.

Ang Tanggulan ng Tawheed ay walang pag-aalinlangan aming mga kapatid! Na ang taong muslim ay nababalutan ng iba’t ibang tagapanghikayat na magbubulid sa kanya sa kasamaan at pagtahak dito at magsisilbing… (Itutuloy)

Author