PHOTO//GOOGLE

Ni Imam Sonsong M. Camama / Program Manager, City Muslim Affairs

ANG MAHAHALAGANG MGA ARALIN SA PAMAYANANG MUSLIM

Ang karugtong…

ng kaisahan Niya sa mga taong mananampalataya ang mga kasamaan ng mundo at kabilang buhay, at ipinagkakaloob Niya sa kanila ang magandang kabuhayan at kapanatagan dito, at ang katiwasayan ng paggunita sa Kanya. Ang mga katibayan nito ay napakarami sa Qur’an at Sunnah. Kaya sinumang napatunayan ang katotohanan ng Tawheed ay ipagkakaloob sa kanya ang lahat ng mga katangiang ito at ang higit pa rito. Samakatuwid ang salungat nito, salungat din ang makakamit.

At kabilang sa mga dahilang yaon na nagpapalago sa Tawheed sa puso ay ang mga sumusunod:

1-Ang paggawa ng mga gawaing pagsunod ng may paghahangad sa mga nakay Allah.

2-Ang pag-iwas sa mga pagsuway ng may pagkatakot sa kaparusahan ni Allah.

3-Ang pagmumuni-muni sa mga kaharian ng mga kalangitan at kalupaan.

4-Ang pag-alam sa mga Pangalan at Katangian ni Allah, sa mga kahilingan nito at pagkakakilanlan dito at anumang mga ipinahihiwatig nito na kamahalan at kaganapan.

5-Ang pagpapalago ng kaalamang kapaki-pakinabang at ang pagsasagawa rito.

6-Ang pagbasa ng Qur’an na may pagmumuni-muni at pag-unawa sa mga kahulugan nito at pinapapakahulugan.

7-Ang pagpapakalapit kay Allah sa pamamagitan ng mga gawaing kusang loob pagkatapos ng mga obligadong tungkulin.

8-Ang pananatili ng paggunita kay Allah sa lahat ng kalagayan, maging sa dila at sa puso.

9-Ang iuna ang anumang mga naiibigan ni Allah sa sandaling nagkatipon-tipon ang mga ginigiliw.

10-Ang pagmaamasid sa mga hayagang biyaya ni Allah at nakatago, at ang masaksihan ang Kanyang kagandahang-loob at kabutihan at pagpapala sa Kanyang mga alipin.

11-Ang pagkalumo ng puso sa harapan ni Allah at ang pangangailangan nito sa Kanya.

12-Ang pakipagsarilinan kay Allah sa oras ng makadiyos na pagpanaog sa sandaling ang nalalabi lamang sa gabi ay ang ikatlong bahagi nito, at ang pagbasa ng Qur’an sa oras na ito at tatapusin ito sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran at pagsisisi. (Itutuloy)

Author