Himas-rehas ngayon ang isang lalaki na may kinasasakutang kaso ng panggagahasa matapos madakip ng awtoridad sa nabanggit na bayan.
Batay sa police report, kinilala ang naarestong indibidwal na alyas “Patrick” na residente ng Barangay Cheey ng bayan ng Busuanga, Palawan.
Ang alyas “Patrick” ay nakalista bilang Most Wanted Person Rank No. 2 sa Provincial level at Rank No. 1 sa Municipal level dahil sa kasong Rape by Carnal Knowledge.
Naaresto ang wanted sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inisyu ni Presiding Judge Arnel Pecundo Cezar ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 163, Coron, Palawan, at walang inirekomendang piyansa.
Pinangunahan ng Coron Municipal Police Station (MPS) ang pagkakaaresto sa wanted sa pakikipagtulungan ng 2nd Special Operations Unit (SOU)-Maritime Group (MG), Coron Detachment, Regional Intelligence Division (RID)- Crisis Intervention Team (CIT) Palawan, at 2nd PPMFC.
Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Coron MPS ang nadakip na wanted para sa tamang disposisyon.