Ipinagdiriwang ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang ika-153 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito.

Bilang paggunita sa makasaysayang araw, idineklara ang Marso 4 bilang isang special nonworking holiday sa lungsod ng Puerto Princesa alinsunod sa Republic Act No. 7684 o An Act declaring March 4 of every year a special nonworking holiday in the City of Puerto Princesa, Province of Palawan.

Nagbibigay-galang sa mayamang kasaysayan at masiglang paglago ng Puerto Princesa ang nasabing batas. Patuloy na umuunlad bilang isang maganda at progresibong lungsod sa puso ng Palawan.

Kaugnay rito, nagkaroon ng isang Grand Civic Parade sa pagdiriwang ng ika-21 ng Balayong Festival. Nakiisa rito ang mga Local Government Unit (LGU), allied forces, at mga kalahok mula sa iba’t ibang ahensya at barangay sa nasabing pagdiriwang.

Samantala, nakiisa rin ang Puerto Princesa City Jail-Male Dormitory, sa pangunguna ni Acting City Jail Warden JSINSP Alcel U. Bandiola.

Ang kapiyestahan ay hindi lamang nagpapakita ng kultura ng lungsod kundi pinagbubuklod din ang komunidad sa isang sama-samang diwa ng pagkakaisa, kasiyahan, at pagmamalaki.

Author