Photo Courtesy | Google

PUERTO PRINCESA CITY — Ipinababatid sa publiko partikular sa lahat ng mga furparents na may alagang aso’t pusa na magkakaroon ng libreng serbisyong animal care gaya ng pagkakapon, ligation, at pagbabakuna ng anti-rabies, ang grupo ng Biyaya Animal Care Foundation sa darating na Hunyo 5 hanggang ika-11 ng buwan, ayon sa City Veterinary Office.

Narito ang mga iskedyul at lugar na pagdadausan ng libreng animal care:

Barangay San Miguel, Hunyo 5;
Barangay Mandaragat, Hunyo 6;
Barangay Masipag, Hunyo 7;
Barangay Sta. Monica, Hunyo 8;
Barangay San Jose, Hunyo 9;
Barangay Macarascas, Hunyo 10;
At Barangay San Rafael, Hunyo 12.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang mga karatig-barangay na nagnanais makatanggap ng mga nabanggit na libreng serbisyo na magpatala sa City Veterinary Office o sa mga nabanggit na barangay.

Maaari rin makipag-ugnayan sa mga numerong 434-0631 at 09669633677 para sa iba pang karagdang impormasyon.