Photo Courtesy | PPCGJZ

Ipinagdiwang kahapon, Lunes, Abril 22, ang Annual International Earth Day na may temang “Planet vs Plastics” sa NCCC Mall Palawan sa pangunguna ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at pakikipagtulungan ng pamunuan ng Puerto Princesa City Green Justice Zone (PPCGJZ), City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), DENR CENRO, PENRO, at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Dumalo sa kaganapan sina Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 2 Judge Rohima R. Sarra, bilang PPCGJZ Vice-Convenor, Atty Princes Vergara Umali, secretariat, PCSD Spokesperson Jovic Fabello, Atty. Carlo Gomez ng City ENRO, DENR CENRO Alexander Mancio, PENRO Felizardo Cayatoc, at iba pang kawani at opisyal ng mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng pagdiriwang kahapon na mabigyang-pansin ang plastic pollution at kahalagahan ng polisiyang ‘single-use plastic’ sa lungsod na dinaluhan ng mga Student Organizations ng Palawan National school, San Miguel National High School, at iba pang eskwelahan sa nabanggit na lungsod.

Habang sa magkahiwalay na programa naman, sa kaparehong petsa at venue, inilatag ang mga topikong may kinalaman sa environmental and water resources awareness, environmental protection, at iba pa.