Photo courtesy | NSC

PALAWAN Philippines – Sa inilabas na ulat ng National Security Council of the Philippines, nakipag-usap si National Security Adviser Eduardo M. Año sa
National Security Advisor ng Estados Unidos na si Jake Sullivan nitong ika-27 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Tinalakay nila ang ukol sa kamakailang marahas na aksyon ng bansang Tsina laban sa Philippine servicemen malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pag-uusap, binigyang-diin ni Año ang matatag na desisyon ng Pilipinas na protektahan ang mga karapatan ng bansa sa soberanya sa eksklusibong sonang pang-ekonomiya at pati na rin ang pambansang interes nito.

Ayon sa National Security Council of the Philippines, binigyang-diin din ng dalawang NSA ang kritikal na papel ng Maynila sa transparency na patakaran sa West Philippine Sea pati na rin ang pangunahing pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan pati narin ang pagtataguyod ng isang patakarang nakabatay sa kaayusang pang-internasyonal.

Samantala, nagpapasalamat naman si NSA Año sa patuloy na suporta at pagtitiyak ng Estados Unidos sa matatag na pangako nito sa alyansa ng PH-US.

Matatandaang, kamakailan lang ay nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos na harangin ng China Coast Guard (CCG) ang resupply boat ng sundalo ng Pilipinas na naghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal, WPS.

(

v