Ni Clea Faye G. Cahayag
SA kalahating taon ng 2023 nakitaan ng Department of Foreign Affairs (DFA)- Puerto Princesa City Consular Office ang tumataas na porsiyento ng mga nag-aaplay ng pasaporte sa lungsod at lalawigan ng Palawan.
Ayon sa hepe ng pamunuan na si Carolina Constantino, nasa 60 porsiyento ang mga bagong aplikante, 38 porsiyento ang nagre-renew habang 2 porsiyento naman ang naitalang nawawalang mga pasaporte.
“Una ko pong magandang ibabalita is that our office is continually growing and as the start of the year in January, we started in a high note — meaning to say ‘yun ating pong applicants and transactions approved was a very high mark at 2,120 which is 61.59 % compared to January of 2022,” ani Constantino.
Sa datos na ito, 72 porsiyento ng aplikasyon ng pasaporte ay para sa intensyong mag-travel at 25 porsiyento naman ay gagamitin para sa pagtatrabaho sa ibang bansa na ayon sa opisyal ito ay magandang senyales.
“A lot is percentage of applications seeking passport for travel. Ibig-sabihin mayaman ‘tong mga aplikante natin they’re not applying for work, ang work po is very small percentage lang po, it’s really more of thing travel kaya sila kumukuha ng pasaporte. So for me it’s a very good turn out because it means you’re happy with your place and you have the means to travel at lalo na ho yata dahil meron ng mga direct flights,” dagdag pa ng opisyal.
Binanggit din nito na mababa sa 20 porsiyento ang mga aplikante na nanggagaling sa labas ng Palawan.
“Patuloy pong dinadayo ang CO- PPC from North to South. [Mayroong] Ilocos Sur and Cebu in particular is one of the highest na pumupunta po [rito]. Instead of going to Cebu, they come to Palawan. And in terms of gender mas marami ang kababaihan with 66% at ang atin pong male is 44%,” aniya pa.