Photo courtesy | Semy Ayate

Ni Marie Fulgarinas

KINUMPIRMA ng tanggapan ng Provincial Veterinarian (ProVet) nitong araw ng Martes, ika-3 ng Oktubre, na nakapasok na sa isla ng Sibuyan ang African Swine Fever o ASF.

Batay sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA) Romblon, sinabi Dr. Paul Miñano na nagpositibo sa isinagawang pagsusuri ang blood sample na nagmula sa bayan ng San Fernando.

Kaugnay rito, naglabas na rin ng executive order ang Lokal na Pamahalaan ng Cajidocan na inaatasang buksan ang operation center ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at Barangay checkpoints sa mga nasasakupang barangay ng nabanggit na bayan.

Ang nasabing hakbang ay para pigilan umano ang malawakang pagkalat ng African Swine Fever na tumama sa ilang mga alagang baboy sa isla ng Sibuyan.

Author