Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Wala nang buhay ng makita ng mga residente ang katawan ng biktimang si Monelba Sariol, 69-anyos, na pinaghihinalaang inatake ng buwaya nitong Miyerkules, Hunyo 5, sa Bgy. Malitub, bayan ng Bataraza, Palawan.

Sa imbestigasyon ng Municipal Police Station ng nabanggit na bayan, dakong alas-diyes (10:00 a.m.) nang umaga kahapon ay naglalaba sa ilog ang biktima. Isang oras lamang ang nakalipas nang makita ang katawan nito na wala ng buhay at nasa bunganga ng nasabing reptile.

Narekober din sa kaparehong araw ang katawan ni Sariol sa layong humigit-kumulang isang kilometro kung saan huli siyang nakitang buhay.

Sa police report na ibinahagi ng mga awtoridad, hindi na binanggit kung anong bahagi ng katawan ang kinain ng buwaya.

Author