Photo courtesy | Facebook/Maria Nelia Yap

Ni Marie Fulgarinas

BIKTIMA ng panibagong ‘crocodile attack’ ang isang babae sa Sitio Kalawiton, Barangay Canipaan, bayan ng Rizal, Palawan, nitong araw ng Martes, ika-3 ng Oktubre, habang kumukuha ng mga shellfishes sa bukana ng ilog.

Kinilala ang biktimang si Mylene Para, nasa wastong gulang, na agaran namang isinugod sa pagamutan ng Bgy. Rio Tuba, sa bayan ng Bataraza, Palawan.

“[G]aling Canipaan, Rizal, patungong Hospital ng Rio Tuba. [Kinagat ng buwaya at naiwan ang mga ngipin ng buwaya sa kamay],” pagbabahagi ni Maria Yap.

Ayon pa sa mga saksi, naiwan din ang dalawang ngipin ng buwaya sa kaliwang pulso ng biktima.

Author