Photo courtesy | We R1 At Your Service Official

Ni Marie Fulgarinas

Nabangga ng motorsiklong minamaneho ng diumanoโ€™y lasing ang isang babaeng naglalakad na kukuha lamang ng parcel nitong gabi ng Huwebes, Agosto 22, sa harap ng temporary shelter sa Pineda Road, Barangay San Pedro.

Ayon sa We R1 At Your Service, kinilala ang biktimang si Jeshel Inok, 24-anyos, residente ng pansamantalang pabahay, habang ang suspek naman ay kinilalang si Awing Dela Cruz, residente naman ng nabanggit na barangay.

โ€œMay nakausap tayong residente ng shelter, at ayon dito, nakita niya na pagiwang-giwang daw ang motor at nakahinto na raw ang nasabing babae. [B]inangga ito ng naka-motor at ang driver nito ay lasing na lasing. Napag-alaman natin na kukuha lng pala ng parcel ang baba.โ€

Agad namang tumawag ng ambulansiya ang tropa ng Puerto Princesa City Anti-Crime Taskfirce upang respondehan ang biktima at suspek at mabigyan ng paunang lunas.

Author