Contributed photo

Binawian nang buhay ang 27-anyos na motocross rider na kinilalang si alyas “Janel” habang nag-eensayo sa racetrack ng Barangay Inogbong, bayan ng Bataraza, Palawan, kahapon, araw ng Sabado, Pebrero 1.

Ayon sa inilabas na report ng Palawan Police Provincial Office, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at ma-overshot ito na naging dahilan ng pagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Naisugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima na kalauna’y binawian buhay.

Residente ng Bgy. Maligaya, Lungsod ng Puerto Princesa ang biktima, na isang motocross rider, at kalahok na motocross event sa bayan ng Bataraza, Palawan.

Author