Photo courtesy | LGU Magsaysay, Palawan

Ni Marie Fulgarinas

Uuwi ng may dala-dalang regalo ang mga masusuwerteng residente ng bayan ng Magsaysay, Palawan, sa ikakasang Pangalipay Festival Raffle Draw sa darating na gabi ng Linggo, Setyembre 29.

Ilan sa mga exciting prizes na maaaring mapanalunan ay isang bagong motorsiklo at home appliances.

Isasagawa ang Raffle Draw sa Lucbuan Plaza, bayan ng Magsaysay, Palawan. Magkakaroon din ng Sayawan o Disco pagkatapos ng raffle draw event.

Magpalista na ngayon at dumalo sa isang gabing puno ng sayawan at sorpresa!

Author